Philippine Red Cross | Humanitarian Organization in the Philippines

disaster management services philippines

philippine red cross

social welfare services philippines

blood donation philippines

volunteer services philippines

health and services philippines
red cross philippines
  • Red Cross 143

About


Red Cross 143 aims to promote a culture of self-help in schools, workplaces, and communities by developing a formidable network of Red Cross volunteers who will prepare for disasters and respond rapidly to emergencies. Red Cross 143 was created to build community resilience where Red Cross 143 volunteers serve as the eyes, ears, hands, and feet of the Philippine Red Cross. Red Cross 143 is composed of one leader and a minimum number of 43 members who make 44 volunteers on site and who will “take charge” and be the first to predict, plan, prepare, practice, report, and respond.

FAQs


Paano ba ang maging isang Red Cross 143 volunteer sa Red Cross?

Maaari kayong magsadya sa pinakamalapit na lokal na PRC Chapter sa inyong tirahan at makapagparehistro bilang volunteer ng Red Cross. Kayo po ay bibigyan ng registration form para inyong sasagutan, pagkatapos ay ipapaalam sa inyo kung kailan ang inyong orientation. Ang administrator o staff po sa ating chapter ang magbibigay ng karagdagang impormasyon ng pagiging isang volunteer sa Red Cross. Maaari din kayong tumawag sa 527-0000 sa iba pang mga katanungan.

Paano ba ang maging isang Red Cross 143 volunteer sa Red Cross?

Maaari kayong magsadya sa pinakamalapit na lokal na PRC Chapter sa inyong tirahan at makapagparehistro bilang volunteer ng Red Cross. Kayo po ay bibigyan ng registration form para inyong sasagutan, pagkatapos ay ipapaalam sa inyo kung kailan ang inyong orientation. Ang administrator o staff po sa ating chapter ang magbibigay ng karagdagang impormasyon ng pagiging isang volunteer sa Red Cross. Maaari din kayong tumawag sa 527-0000 sa iba pang mga katanungan.

Paano ka makakatulong sa barangay na iyong tinitirhan? Ano ang programa ng Red Cross patungkol sa mga barangay?

Maraming pwedeng maipaabot na tulong sa iyong barangay. Isa na dito ay ang pagsali sa Red Cross 143. Ito ay isang programa ng Philippine Red Cross sa pangunguna ni Chairman Richard J. Gordon na nagtuturo sa mga mamamayan na kumalinga sa kanilang komunidad. Ito ay nagbibigay ng kakayahan sa bawat barangay na maging handa sa pagtugon sa anumang uri ng sakuna. Kung saan ang bawat 143 volunteer ay maaaring magreport at mabilis na tumugon(magresponde) sa pangangailangan ng kanilang barangay sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Ang 143 volunteer ay maaaring magreport ukol sa nangyaring sakuna sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Pagtext kay PRC Chairman Richard J. Gordon: 09209527232
- Pagtext sa PRC Disaster Operations Center: 09178068513
- Pagtawag sa (02) 666-5034/ (02) 666-5038
- Pagtawag sa hotline (i-dial ang 143)
- Mag-email sa [email protected] para sa karagdagdang impormasyon

Ano ang Red Cross 143?

Ang Red Cross 143 ay isang programa sa Philippine Red Cross na naglalayong bumuo ng network ng volunteers na magbibigay magkaroon na 44 volunteers sa 1 barangay na binubuo ng 1 pinuno at 43 kasapi na syang maaaring magbigay ng mahalagang impromasyon at kumilos para sa mabilisang pagtugon sa alinmang kalamidad o sakuna.

Ano ang maaaring gawin bilang isang 143 volunteer?

Bilang 143 volunteer, ikaw ay may tungkulin na alamin ang mga posibleng maging banta sa inyong barangay, planuhin ang mga hakbang na maaaring gawin, ihanda ang mga bagay na maaaring kailanganin sa oras ng sakuna at sanayin ang sarili sa pang-unang lunas para sa inyong komunidad. Ikaw ay maaari ding mag-report sa Red Cross Operation Center o sa kalapit na PRC local chapter ng anumang pangunahing impormasyon sa anumang sakuna at tumugon sa mga posibleng pangangailangan sa inyong lugar. Sa mabilisang pagreport at pagtugon sa anumang sakuna o kalamidad ay nagbibigay ito ng mas malaking pagkakataon sa pagsagip mula sa kapahamakan ng iyong mahal sa buhay o ng mga tao sa iyong komunidad. Sa karagdagang impormasyon, maaari rin kayong sumadya sa tanggapan ng Philippine Red Cross.

Ano ang mga dapat kong tandaan kapag may sakuna?

Bilang 143 volunteer, ikaw ay maaaring magreport ukol sa nangyaring sakuna. Maaari ring magbigay ng babala sa iyong komunidad sa pamamagitan ng 143 Alert Signals. Ugaliing magdala ng pito para sa alert signals.

143 ALERT SIGNALS:
- 1 mahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung may paparating o nagaganap na sakuna
- 2 mahahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung kailangang maghanda sa posibleng paglikas
- 3 mahahabang pito na tumatagal ng 5 segundo kung kinakailangang lumikas sa lalong madaling panahon.
Tandaan lamang na ang pagitan ng mahahabang pito ay tumatagal ng 3 segundo.

Ano ang dapat i-report ukol sa naganap na sakuna?

Sagutin lamang kung ano, saan, kailan, bakit, at paano nangyari ang sakuna, at kung sino o ilan ang naapektuhan sa nasabing sakuna para sa mabilis na pagtugon at aksyon. Ipagbigay-alam din ang iba pang karagdagang impormasyon na makakatulong ukol sa naganap na pangyayari.

Maaari ba maging isang volunteer sa Red Cross kahit wala pa akong training sa First Aid o BLS-CPR o kahit na anong training?

Kahit sino na may layuning makatulong sa kanilang kapwa ay maaaring maging isang volunteer ng Red Cross may training man o wala. Ang karagdagang impormasyon tungkol sa pagiging volunteer sa Red Cross ay maaaring ipagbigay-alam ng ating staff sa pinakamalapit na Red Cross chapter sa inyong lugar. Sa mga interesado naman ukol sa training ng First Aid o BLS-CPR. Maaari kayong tumawag sa (02) 527-9979 or (02) 527-0000 local 154.

Philippine Red Cross

Born officially in 1947, but with roots that traces back to the revolutionary days, the Philippine Red Cross has truly become the premier humanitarian organization in the country, committed to provide quality life-saving services that protect the life and dignity especially of indigent Filipinos in vulnerable situations.

Address: 37 EDSA corner Boni Avenue, Mandaluyong City 1550
Hotline: 143 Trunkline +63 2 8790 2300
Subscribe to ur Newsletter

Follow Us

Check out our Apps

Copyright 2022 Philippine Red Cross